Skip to content

Does the Lord giveth and taketh away?

Job 1 21 the Lord giveth and taketh away

Karamihan sa mga tao ay naniniwala na kapag may nawala sa kanila, kinukuha na ni iyon/ito/sila/siya ni Lord. Bakit? Dahil sa verse na ito.

Job 1:21 And (Job) said, Naked came I out of my mother’s womb, and naked shall I return thither: the Lord gave, and the Lord hath taken away; blessed be the name of the Lord.

Tama ang nababasa ninyo sa image dahil gusto kong itanong kung “kumukuha nga ba si Lord”?

Person 1: Uy bro, bigay ko sayo tong phone ko, ang pinaka latest na iPhone 12 Pro.
Person 2: Wow! Sige. Thank you very much! Sigurado ka ba?
Person 1: Oo naman. Sayong sayo na yan. Gusto kitang pagpalain eh.
Person 2: Thank you ng marami ha? Ganda nito!
*One week later*
Person 1: Uy bro, kukunin ko na ung phone ko ha?
Person 2: Wait, wat?
surprised pikachu face

Ganyan din ang magiging reaction ko kapag binigyan ako tapos babawiin lang din pala.

Kung papaniwalaan natin ang sinabi ni Job na kumukuha si Lord, magiging contradictory ito sa nature ni Lord. Kilala nga ba ni Job si Lord at kung ano ang Kaniyang tunay na ugali para masabi niya na kumukuha si Lord?

Ano nga ba ang nature ni Lord?

  1. Mapagbigay – John 3:16 (This verse is more than enough to prove that God is a very, very, very, very, very, very generous giver. Not sure if I had put enough very there. Not to mention ung pagbigay Niya ng 10[actually, it’s more than 10] commandments, na hiningi ng Israelites. We’ll get to that topic sooner or later. Kaya sobrang generous talaga di ba?)
  2. Mapagmahal – John 3:16 (Sa sobrang pagmamahal Niya sa iyo at sa akin, binigay Niya ang nagiisa Niyang Anak para tayong mga hindi karapat-dapat ay maging karapat-dapat sa Kanyang kaharian.)
  3. Mapaghintay – Sa kwento ni Noah, God waited 120 years for the ark to be completed and at the same time, for the sinners there to repent.

I can go on and on and on tungkol sa nature ni Lord, pero I think these 3 points are more than enough to prove the goodness and the nature of God.

giving giftsPero pano nga ba nasabi ni Job na kumukuha si Lord?

Alam natin ang kwento ni Job na mayaman siya at nawala ang pamilya at lahat ng yaman niya. Sabi sa Job 42:5 My ears had heard of you but now my eyes have seen you. Ang kaniyang pagkakakilala sa Diyos ay base lang sa pakikinig niya sa iba’t ibang tao kaya niya nasabi na kumukuha si Lord sa chapter 1, verse 26. Pero pagdating sa chapter 42, nagbago na ang pananaw niya sa Diyos na nakilala lang niya sa naririnig niya sa iba. Kung itutuloy natin sa chapter 42, verse 7-8, mababasa natin na nagalit si Lord sa mga kaibigan ni Job dahil hindi  nila sinabi ang katotohanan tungkol kay Lord. Pero pinatawad din sila dahil ipinalangin sila ni Job.

At ang katapusan ng kwento, nang makilala na ni Job ang totoong kalikasan ng Diyos at ipinalangin niya ang kanyang mga kaibigan, ay pinagpala siya ng higit pa sa mayroon siya na mababasa natin sa chapter 1 at dinoble pa ito!

Tandaan natin na ang gusto lang ni Lord para sa atin ay ang pawang mabubuti lamang. Hindi Niya plano na masaktan tayo, mapahamak tayo o maligaw tayo. Ang gusto Niya, kagaya ng sabi ko kanina, ay pawang kabutihan, kasaganahan at kapayapaan sa buhay(Shalom).

God loves you

Mahal ka ni Lord, iniibig ka Niya. Hindi Niya kukuhanin ang mga bagay sa buhay mo kaya wag mong sabihing kumukuha si Lord, dahil Siya ang nagbibigay ng mabubuting bagay na para sa ikakabuti, ikakalago at ikaliligaya mo.

So does the Lord giveth. Yes, of course!
James 1:17 – Every good thing given and every perfect gift is from above; it comes down from the Father of lights [the Creator and Sustainer of the heavens], in whom there is no variation [no rising or setting] or shadow cast by His turning [for He is perfect and never changes]. (AMP)

Does He taketh away? It’s a big NO.

Mga minamahal, gusto ni Lord pasaganahin ang buhay mo. Gusto Niyang maging maligaya ka. Gusto Niyang maranasan mo ang Kaniyang mayamang biyaya. Trust in Him. God loves you dearly.

Thank you po sa aming mentor, Ps. Noel, for this wonderful message. Nabago pananaw ko dito, at alam kong marami din sa church, dahil noong una, ganto din ang nasa isip ko. Pero nabago lahat at mas lalo ko pang nakilala si Lord.